Pawikan natagpuang patay sa baybayin ng Iligan

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 12:28 PM

ILIGAN CITY - Natagpuang patay ang isang leatherback sea turtle sa baybayin ng Barangay Acmac dito sa lungsod Miyerkoles.
 
Ayon sa mga residente, sumabit ang malaking pawikan sa lambat ng isang mangingisda.

Aabot sa 6 na talampakan ang haba ng pawikan at nasa 4 na talampakan naman ang lapad.

Ang leatherback sea turtle ay isa sa mga pinakamalaking uri ng pawikan sa mundo. Itinuturing itong "vulnerable" o isang bahagdan bago maging endangered dahil sa nauubos na populasyon.

Plano ng lokal na pamahalaan na i-donate ang pawikan sa Mindanao State University upang mapag-aralan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.