Mga manukan sa Leyte, itinuturong dahilan ng paglipana ng mga langaw

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 01:16 AM

Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang Environmental Management Bureau-Eastern Visayas at Department of Health sa mga poultry farm sa Matalom, Leyte na itinuturo ng mga residente na dahilan ng pagdami ng langaw sa isang barangay doon.

Aalamin ng EMB kung ang mga poultry farm ay sumusunod sa mga regulasyon sa kalinisan.

Hinala ng mga residente, ang paglipana ng mga langaw ay dahil sa hindi maayos ang pagtapon sa dumi ng mga manok. 

Mapapansin ang mga nakasakong dumi sa gilid ng daan sa Barangay Zaragosa, Matalom, Leyte. ABS-CBN News

Ayon naman sa DOH sanitary engineer na si Engr. Percival de Paz, agad niya ring ipapasuri ang problema ng mga residente.

Inaasahan din ng DOH at EMB na matututukan ng lokal na gobyerno ng Matalom ang problema sa langaw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.