Lolo patay sa flash flood sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 06:11 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang lolo matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa Caloocan City Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Agaton Acuna, 69 anyos.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa may boundary na ng Caloocan City at San Jose del Monte, Bulacan.

"Napakasakit na 'yung namatay ay 'yung magulang. Umalis ng bahay na buhay, uuwi na nakakahon na," ani Armando, anak ng biktima.

Hilig umano ni Acuna na mamingwit ng isda sa ilog.

Kasama umano ng biktima ang 2 kaibigan at pauwi na nang abutin ng masamang panahon.

Bigla umanong lumakas ang agos ng tubig sa Sapang Alat River habang tumatawid si Acuna.

"Biglang lumakas ang tubig kaya nadala siya at hindi na nahabol," ani Felipe Cape na nakakita sa insidente.

Dahil sa nangyari, maglalagay na ang pamunuan ng barangay ng mga babala sa ilog. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.