'Tulak' patay nang manlaban umano sa Bulacan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 07:00 AM

BULACAN - Patay ang isang hinihinalang tulak matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Bocaue, Bulacan Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Minandro Omania, alyas Potchie, 42-anyos.

Narekober sa kaniya ang 5 sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Isinagawa ang operasyon pasado alas-2 ng madaling-araw sa Barangay Lolomboy kung saan nauwi ito sa engkuwentro.

Ayon sa mga pulis, nagpaputok umano si Omania nang mahalata niyang pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Dead on the spot ang suspek. Ayon sa mga residente, ang alam nilang trabaho ni Omania ay nangangalkal ng basura. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.