24 pulis, sinibak dahil sa 'mahinang' anti-drug ops

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 02:35 PM

Tinanggal sa puwesto ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Mimaropa region dahil sa kanilang "mahinang" kampanya kontra ilegal na droga.

Inaprubahan mismo ng kanilang Regional Director na si Chief Superintendent Emmanuel Licup ang pagsibak sa 24 na chief of police, sa rekomendasyon na rin ng oversight committee on illegal drugs.

Mga nasibak na pulis sa Mimaropa:
• Oriental Mindoro - 4
• Occidental Mindoro - 5
• Marinduque - 1
• Romblon - 5
• Palawan - 8
• Puerto Princesa City - 1

Pinakamaraming tinanggal sa puwesto mula sa Palawan, sumunod naman ang Occidental Mindoro at Romblon.
    
Kinalampag ng regional police ang natitirang 53 chief of police sa rehiyon na "triplehin" ang kanilang kampanya kontra droga.


--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.