21 lumang bomba natagpuan sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 08:30 PM

SAN ISIDRO, Leyte—Nakuha ng explosive and ordnance division (EOD) ng Eastern Visayas ang 21 lumang bomba sa bayang ito Miyerkoles.

Nakita ang mga bomba ilang araw lamang matapos ang pagsabog sa Sitio Betaog, Barangay Crossing sa bayang ito kung saan 6 na lalaki ang sugatan.

Ayon kay Supt. Francisco Calumba, hepe ng EOD sa Region 8, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa mga lumang bomba matapos ang naganap na pagsabog noong Linggo.

Nangyari ang pagsabog nang ginawang tripod o tungko ang mga bomba para sa pagpapakulo ng tubig na gagamitin sana sa pagkatay ng baboy.

Dagdag pa ni Calumba, inaasahan niyang hindi lamang ang mga taga-San Isidro ang matuto mula sa insidente at ipaalam sa awtoridad kung may makitang mga lumang bomba.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.