1 patay, 4 huli sa Puerto Galera buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 04:39 AM

PUERTO GALERA, Oriental Mindoro - Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sinandigan, Puerto Galera nitong Martes.

Kinilala ang nasawi na si Ildefonso Nanola, 22anyos.

Ayon sa pulisya, isinagawa nila ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa isang drug den sa lugar.

Naaresto sa operasyon ang ina ni Nanola at 3 iba pang residente, kasama ang isang Swiss national.

Narekober sa kanila ang isang 9mm pistol, 20 sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.