Taxi sumalpok sa concrete barrier sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2017 09:26 AM

MAYNILA - Yupi ang unahang bahagi ng isang taxi nang sumalpok sa concrete barrier sa southbound ng Commonwealth Avenue corner Central Avenue sa Quezon City pasado hatinggabi ng Linggo.

Ayon kay Romeo Sauselo, 72, driver ng isang Lorieannes taxi, hindi niya napansin ang concrete barrier nang umiwas siya sa isang bus habang naghahanap ng pasahero.

Itinanggi niya na inaantok siya kahit pa kahapon pa siya ng ala-1 ng hapon nagsimulang pumasada. Aksidente aniya talaga ang nangyari.

Bahagya lamang nasaktan sa kamay si Sauselo, at masuwerteng wala rin siyang pasahero nang mangyari ang insidente. -- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.