Alamin: Mga trabahong patok sa loob at labas ng bansa

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2017 05:24 PM

Sa pagsapit ng ika-119 na Araw ng Kalayaan, magsasagawa ng 21 job fairs ang Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan mahigit 100,000 job openings ang nakaabang para sa mga naghahanap ng trabaho. 

Mahigit 123,330 na trabaho sa loob at labas ng bansa ang maaaring asahan sa 21 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job and Business Fair na isasagawa sa 14 na rehiyon sa buong bansa, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III. 

Sa Pilipinas, narito ang mga trabahong may pinakamaraming job openings sa bansa:

1. Customer Service Representative
2. Production Worker/Factory Worker/Production Helper 
3. Production Machine Operator 
4. Sales Associate Professional/ Sales Clerk/ Sales Representative
5. Call Center Agent 
6. Police Officer (PO1) (CARAGA) 
7. Service Crew 
8. Cashier
9. Quality Control Inspector 
10. Merchandiser
11. Marketing Assistant 
12. Kitchen Staff 
13. Salesman 
14. Accounting Assistant 
15. Intelligence Officer (Government) (CAR) 
16. Retail and Sales Agent 
17. Technical Support Representative 
18. Sewer 
19. Company Driver 
20. Staff Nurse 

Para sa mga nais makipagsapalaran sa ibang bansa, narito ang listahan ng mga trabahong may pinakamaraming job vacancies:

1. Hotel & Restaurant Services (Service Crew /Beautician /Receptionist/ Steward/ Waiter/ Waitress/ Bartender/ Barista/ Cashier/ Singer/ Dancer) 
2. Construction Worker 
3. Professional Nurse
4. Company Driver 
5. Laborer 
6. Cook 
7. Physical Therapist 
8. Carpenter
9. Mason
10. Cleaner
11. Car Driver 
12. Office Clerk
13. Medical Technician
14. Plumber
15. Welder 
16. Pharmacist
17. Household Service Worker
18. Electrician 
19. Salesman
20. Production Machine Operator 

Pinaaalalahan ang mga aplikante na magdala ng mga sumusunod na requirements:
- maraming kopya ng resume o curriculum vitae (CV)
- 2x2 ID pictures
- Certificate of Employment (para sa mga dati nang nagtatrabaho)
- Diploma o transcript of records (TOR)
- Authenticated birth certificate

Sa Maynila, gaganapin ang job fair sa Senior Citizen's Garden sa Rizal Park mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. 

Mahigit 40,000 trabaho mula sa iba't ibang industriya ang inaasahan sa job fair na ito. May 20,689 na mga job openings ang para sa loob ng bansa, habang 20,000 naman sa ibang bansa. 

Maaari namang makipag-ugnayan sa DOLE ang mga interesado sa job fair sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline na 1349.

Ang mga job fair na ito ay kaugnay ng inisyatibong Trabaho, Negosyo, Kabuhayan ng DOLE at Department of Trade and Industry, na naglalayong ilapit ang mga oportunidad sa trabaho at negosyo sa bawat mamamayang Pilipino. 

Bilang ng mga taong walang trabaho, bumaba

Bumaba naman ang dami ng mga taong walang trabaho sa Pilipinas ngayong Abril, ayon sa survey ng gobyerno. 

Mula sa 6.6 porsiyento noong Enero, bumaba sa 5.7 porsiyento ang unemployment rate noong Abril. 

Isa ang pagdami ng mga trabaho sa mga prayoridad ng administrasyong Duterte. Inaasahan ng administrasyon na makagawa ng 12 milyong trabaho sa loob ng anim na taong pamumuno ni Pangulong Duterte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.