Mga mag-aaral sa Iloilo, binigyan ng school supplies

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2017 09:17 PM

Mahigit 1,000 school bags na may lamang school supplies ang inihandog ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya para sa mga mag-aaral ng Isla de Gigantes sa Carles, Iloilo. 

Kabilang sa mga nabiyayaan ay ang mga mag-aaral ng kinder at elementarya ng Asluman Elementary School at Granada Elementary School.

Nagbigay din ang ABS-CBN Sagip Kapamilya ng dalawang classroom building sa mga nabanggit na paaralan.

Naisagawa ang mga ito sa pamamagitan ng proyektong 'Gusto Kong Mag-aral' ng ABS-CBN na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa mga paaralan sa bansa.

Katuwang ng ABS-CBN ang Carles police at ang 552nd Engineering Construction Battalion ng Philippine Army sa transportasyon at distribusyon ng mga gamit pang-eskuwela.

-- Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News