Mga empleyado sa gusali sa Makati, nabulabog ng sunog

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2017 05:48 PM

 

MAYNILA - Napalabas ang mga manggagawa sa Burgundy Corporate Tower sa Gil Puyat Avenue, Makati City nang magliyab ang bahagi ng firewall sa pagitan ng gusali at ng West of Ayala Condominium Miyerkoles ng umaga.

Bagama't kumapal ang usok, hindi naman lumaki ang apoy na nagsimula bandang 10:08 ng umaga at idineklarang fire out bandang 11:34 ng umaga.

Ayon kay FO1 Lester Batalla ng Makati Fire Station, sigarilyong itinapon sa basurahan ang sanhi ng sunog. Malimit aniyang magtapon ng sigarilyo ang mga tao sa bahaging iyon.

Wala namang naitalang sugatan sa sunog.