Bata, dinukot ng armadong grupo sa Jolo

RJ Rosalado, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2017 11:55 AM

Isang 9-taon na batang lalaki ang dinukot umano ng tatlong armadong kalalakihan Martes ng gabi sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, kumatok umano ang mga suspek sa bahay ng biktima sa Barangay San Raymundo.

Kinuha ng mga suspek ang bata at isinakay sa isang motorsiklo patungong Sitio Godines, Barangay Latih sa bayan ng Patikul.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pinagsanib na pwersa ng military at pulis para masagip ang bata.

Base naman sa intelligence reports, isang Sonny Sajirin, sub-leader ng Abu Sayyaf, ang nasa likod ng pagdukot sa bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.