Babaeng supplier ng shabu, timbog sa Davao

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2017 09:05 AM

DAVAO CITY - Arestado sa buy-bust operation ang isang 34-anyos na babae sa isinagawang buy-bust operation Martes ng gabi.

Ayon kay Chief Inspector Oliver Navales, station commander ng Talomo Police, si Charity Madelo ay isang high value target na direktang kumukuha ng shabu sa Cotabato City at ibinebenta ang sa mga drug pusher na nago-operate sa Talomo, Toril at Maa.

Nahuli si Madelo sa KM 6, Diversion sa Matina Pangi.

Bukod sa nabili na isang sachet ng hinihinalang shabu, nakuha rin sa kanya ang 14 na magkakaibang sachet ng shabu, 2 pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga lahat ng P35,000. May nakuha ring improvised tooter sa kanya.

Itinanggi ng suspek na nagbebenta siya pero inamin niyang gumagamit siya ng shabu.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 si Madelo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.