200 OFWs mula Saudi Arabia, nakabalik na sa bansa

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2017 09:30 PM

MA total of 200 overseas Filipino workers from Saudi Arabia returned to the Philippines under the amnesty program of Saudi Arabia. Jerome Lantin, ABS-CBN News

MANILA- Dalawandaang overseas Filipino workers (OFW) ang nakabalik na sa bansa mula sa Saudi Arabia dahil sa ipinapatupad na amnesty program. 

Limampung OFWs mula sa Jeddah ang nakauwi na sa bansa 7 a.m. Sabado sakay ng biyaheng PR 663, samantalang 115 OFWs naman mula sa Riyadh ang umuwi rin ng bansa sakay ng biyaheng 5J741.

Ayon kay Overseas Worker Welfare Administration deputy administrator Brigido Dulay, mayroon silang nakahandang mga programa upang makatulong sa mga umuwing OFW gaya ng pangkabuhayan at tulong pang-ligal.

Mula Marso, nasa 2,600 na undocumented OFWs mula sa Middle East ang nakabalik na sa bansa, at inaasahang may 4,000 pang babalik din ngayong buwan. 

Handang umalalay ang mga ahensiya ng gobyerno, para matulungan magkaroon ng trabaho o negosyo ang mga OFW dito sa bansa.-with a report from Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.