Lalaking nang hostage ng kanyang live-partner, arestado

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2017 09:11 PM

Sugatan sa mukha ang biktimang si "Lyn-lyn" matapos siyang i-hostage ng kanyang kinakasama sa Davao City

Matagumpay na-rescue ng pulisya ang isang babae matapos siyang i-hostage ng kanyang live-in partner sa hindi pa matukoy na dahilan.

Biyernes ng madaling araw nang rumesponde ang mga miyembro ng Talomo Police sa isang bahay sa Barangay Dumoy sa Davao City. 
hostage
Nagising ang mga residente sa sigaw at saklolo ng 26 na taong gulang na si "Lyn-lyn".

Sabi ng kapitbahay, nakita pa niyang hinihila ng lalaki ang buhok ng biktima habang tinututukan ng basag na bote sa leeg at tiyan.

Kwento ng ama, nang i-rescue na sana ang biktima, hinampas ng lalaki ang bote sa mukha ng kanyang live-in partner.

Na-rescue rin ng mga pulis ang tatlong anak at matapos ang dalawang oras, pwersahang pinasok na nila ang bahay.

Sinira ang dingding at hinila ang biktima para ma-rescue palabas ng bahay.

Duguan ang mukha ni Lyn-lyn.

Habang inaalalayan pasakay sa police mobile, naaresto ng mga pulis ang suspek.

Hinahanda na ang kasong serious illegal detention at frustrated murder kontra sa suspek.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.