Truck nagliyab sa C-5

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2017 08:28 AM

MANILA - Nagliyab ang isang 10-wheeler truck sa southbound lane ng C-5 Road sa Pasig, Huwebes.

Kuwento ng truck driver na nagpakilala lamang sa pangalang Mario, napansin na niya na umuusok ang makina ng sasakyan kaya niya ito agad na iginilid.

Nakababa siya at kanyang pahinante bago tuluyang magliyab ang sasakyan.

Walang kargada ang truck at mabilis na narespondehan ng Bureau of Fire Protection ang sunog kaya naapula ito bago pa madamay ang ibang sasakyan.

Nagdulot naman ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.