Rescue vehicle, bumangga sa isang taxi sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2017 04:48 PM

Yupi ang kanang bahagi ng taxing ito matapos bumangga sa isang rescue vehicle sa Bacolod City, Huwbes ng umaga.

BACOLOD CITY—Bumangga ang isang rescue vehicle ng Hinigaran, Negros Occidental sa isang taxi sa interseksyon ng Rizal Street at Lacson Street dito, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Dave Maestrecampo, driver ng rescue vehicle, nagmamadali umano siyang ihatid sa ospital ang pasyenteng nakasakay nang mabangga siya ng isang taxi.

Nagtamo ng ilang sugat ang driver ng taxi na si Bernardito Balsomo.

Ayon naman sa pasahero ni Balsomo na si Eli Bangoy, nagmamadali umano itong makatawid sa interseksyon bago maging pula ang traffic light.

Dapat umanong pinagbigyan ni Balsomo ang rescue vehicle nang marinig nito ang sirena ng emergency, ani Traffic Investigator PO3 Johnny dela Pena.

Magpupulong ang dalawang panig upang pagusapan ang posibleng settlement agreement.

--Ulat mula kay Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.