ALAMIN: Libreng training para makapagnegosyo o makapagtrabaho

ABS-CBN News

Posted at May 31 2017 10:17 PM | Updated as of Jun 01 2017 03:09 AM

Umarangkada na ang Technical Emergency Skills and Training Program ng Technical Education and Skills Development Authority.

Layunin ng TESTP na bigyan ang trainees ng sapat na kasanayan para makapag-apply ng trabaho o 'di kaya ay makahanap ng pagkakakitaan.

Prayoridad ng programa na matulungan ang mga umuwing overseas Filipino workers, mga kaanak ng mga pulis at sundalo na namatay o nasugatan sa labanan, mga apektado ng kaguluhan, mga kapamilya ng traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority, sumukong drug dependents, at informal settlers.

Kabilang sa mga inaalok na kurso ay ang mga sumusunod:

- maintain and repair audio/video products
- solar lamps assembly
- cold meal preparation
- food processing, salting, curing, smoking
- hilot
- carpentry
- Nihonggo language

Libre ang tuition at mga tools na gagamitin sa training, at may pabaon ding transportation allowance, tanghalian at merienda para sa mga lalahok sa programa.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, ang programang ito ay isa na ring tugon sa hiling ng presidente na matulungan ang mga nagbabalik-bansa na OFW.

“It is a simple solution where the government can actually provide the kind of support, government can act as facilitators. Filipino is very creating and very innovative and madiskarte. Ang kailangan lang talaga is the right model,” ani Abella.

Nasa mahigit 2,000 na ang mga trainees sa programa sa buong bansa.

-- Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.