Pulis binaril ang misis, binatilyong anak

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at May 28 2017 05:39 PM | Updated as of May 29 2017 07:26 AM

Dead on the spot ang isang ginang at kanyang 13-anyos na lalaking anak matapos barilin ng kanilang pulis na padre de pamilya sa loob ng kanilang bahay sa Commonwealth, Quezon City Linggo.

Kuwento ng mga kapitbahay, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril bago makitang tumatakbo palabas ng bahay ang panganay na anak ng pulis, karga ang kanyang 1 taong gulang na bunsong kapatid

Patay na nang matagpuan ang ina ng mga bata at kanilang kapatid na lalaki. 

Nakuha sa crime scene ang hindi bababa sa 17 bala ng kalibre 9mm pistol. 

Sumuko naman sa barangay ang 38-anyos na suspek na may ranggong police officer 2 at nakadestino sa Bicutan. Inilipat siya kalaunan sa kustodiya ng pulisya. 
 
Hinihinalang domestic violence o away mag-asawa ang motibo sa pamamaril. 

EDITOR'S NOTE: Hindi pinangalanan ng ABS-CBN News ang mag-iina ng pulis dahil sensitibo ang hinihinalang motibo ng krimen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.