11 bahay, nasunog sa Davao City

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at May 29 2017 01:53 AM

DAVAO CITY - Labing-isang bahay ang nasunog sa loob ng Garson Compound sa Barangay Cabantian sa Buhangin, Davao City Linggo ng hapon.

Nagsimula ang sunog alas-tres ng hapon at naapula bandang alas-kuwatro.

Ayon kay Salvacion Arayata, isa sa mga biktima, madaling nasunog ang mga bahay dahil gawa ang mga ito sa light materials.

Nag-umpisa umano ang sunog sa bahay ni Leony Ignacio, ayon sa pamangkin niyang si Dolores Ardiente.

Hindi kaagad naapula ng mga residente ang apoy dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa lugar.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng pinsalang dulot nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.