Sundalo, pinalaya ng NPA sa Bukidnon

Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at May 24 2017 02:34 PM

VALENCIA, Bukidnon - Isang sundalo ang pinalaya ng mga rebeldeng 
New People's Army dito sa probinsya matapos ang 19 na araw ng pagkakabihag.

Dinakip ng mga miyembro ng NPA si technical sergeant Joseph Paredes noong Mayo 5l matapos parahin sa isang checkpoint na itinalaga ng mga komunista matapos ang nakawan sa Dasia Security Agency.

Una nang naglabas ang NPA ng isang video ni Paredes na nananawagan sa mga kasamahan sa AFP na itigil muna ang kanilang operasyon laban sa NPA para sa kanyang ligtas na paglaya.

Matapos siyang palayain, Dinala si Paredes sa bahay ni Valencia City Mayor Azucena Huervas bago inihatid sa Lavina Hospital para sa kanyang medical check-up.