Bahagi ng Market! Market!, nasunog

ABS-CBN News

Posted at May 24 2017 11:44 AM | Updated as of May 24 2017 06:12 PM

MANILA - (3rd UPDATE) Nasunog ang bahagi ng Market! Market! shopping center sa Taguig, Miyerkoles. 

Makikita sa mga larawang ipinadala sa ABS-CBN News ang makapal na usok na bumalot sa establisyemento dakong alas-11 ng umaga. 

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng city fire department na nagsimula ang sunog sa isang restaurant at agad na itinaas ang unang alarma, alas-10:52 ng umaga. 

Na-kontrol anila ang apoy alas-11:33 ng umaga at tuluyang naapula makalipas ang nasa 30 minuto. 

Ligtas namang nakalabas sa gusali ang lahat ng empleyado at mamimili kaya walang nasaktan sa insidente, ayon sa pamunuan ng Market! Market!. 

 

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng iniwan nitong pinsala. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.