TINGNAN: Pawikan, nailigtas sa Negros Occidental

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at May 22 2018 12:38 AM

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

NEGROS OCCIDENTAL - Nailigtas ang isang green sea turtle matapos aksidenteng malambat sa isang fish pen sa Silay City, Negros Occidental Lunes ng umaga.

Wala namang tinamong sugat ang pawikan at agad itong pinakawalan sa karagatan.

Kuwento ni Johnny Billiones, posibleng hinahabol ng pawikan ang maliliit na isda na pumapasok sa fish pen kaya't na-trap ito.

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Ayon naman kay Arnel Lumapay, miyembro ng Bantay Dagat, ito na ang ika-14 na pawikan ang nasagip nila nitong taon at ang pinakamalaki sa lahat.

Ito ay may lapad na halos 3 talampakan at may habang 4 na talampakan.

Aniya, posibleng nasa 50 o 60 taong gulang ang pawikan.

Nasa 8 katao ang nagtulong-tulong para maikarga ang pawikan sa sasakyan.

Tatanggap ng pabuya si Billiones mula sa lokal na pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.