Fun run ng Philippine Navy, umani ng suporta

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at May 20 2017 11:31 AM

Mahigit 1,400 katao ang sumali sa 5-kilometrong fun run na inorganisa ng Philippine Navy sa Roxas Boulevard sa Maynila Sabado ng umaga.

Ito ang Run for the Navy 2, na layong matulungan ang mga sundalo at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Support Your Navy Foundation, Inc.

Alas-5:30 ng umaga nagsimula ang fun run, na sinalihan ng mga Philippine Navy personnel, reservists, running enthusiasts at mga sibilyan.

Matapos nito, nag-ikot ang mga sumali sa fun run sa static display ng mga Navy vessel, helicopter at iba pang equipment na makikita sa loob ng Philippine Navy Headquarters.

Ang Run for the Navy 2 ay bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Navy ng kanilang ika-119 na anibersaryo ngayong Mayo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.