SAPUL SA VIDEO: 3 truck, pinasabog ng mga komunistang rebelde sa Misamis Oriental

Ronnie Enderes, ABS-CBN News

Posted at May 20 2017 05:26 AM

Tatlong truck ang pinasabog ng mga armado sa Misamis Oriental nitong Biyernes. Video courtesy of Joecard Dalman.

Tatlong truck ang pinasabog ng armadong grupo sa Barangay D.G Pealez, Claveria, Misamis Oriental nitong Biyernes.

Inako ng National Democratic Front-North Central Mindanao Region ang pagsunog sa mga truck na may kargang seedling ng pinya.

Kaparusahan umano ito sa producer ng pinya at ibang food products dahil sa patuloy umanong paglabag sa adhikain ng komunistang grupo.

Walang nasaktan sa mga driver at pahinante ng trak na pinababa ng mga armado at nagsitakbuhan.

Lumabas sa imbestigasyon na pinara at pinahinto ng tinatayang 20 armado ang mga truck.

May 12 drum din ng krudo na karga ng isang sasakyan ang ibinuhos ng mga salarin sa daanan ng Barangay D.G. Pelaez.

Ayon kay Chief Inspector Dennis de Los Santos, hepe ng Claveria Philippine National Police, tumakas ang rebeldeng grupo sa Sitio Dugo-Dugo, Barangay D.G. Pelaez.

Sa ngayon ay naglagay ng mga checkpoint ang pulis para mapigilan ang posibleng diversionary attack ng rebeldeng grupo.

Ayon sa hepe, nagsagawa na ng follow-up operation ang 58th Infantry Battalion.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.