Lalaki, arestado sa tangkang panghahalay sa GenSan

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at May 20 2017 03:31 AM

Arestado ang isang computer shop assistant matapos umano niyang pagtangkaang gahasain ang isang 18-anyos na estudyante sa General Santos City nitong Huwebes.

Arestado si Alfie Testa, 22, sa isang entrapment operation.

Tinakot umano ng suspek ang dalaga na ipapakalat nito ang mga hubad na larawan sa social media kung hindi ito makipagtalik sa kanya.

“Pumunta dito sa atin ang complainant para ma-entrap itong suspek natin,” ani PCI Leo Dofiles, hepe ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Dating girlfriend umano ni Testa ang dalaga at nakakuha si Testa ng mga hubad na video at larawan nito matapos niyang i-hack ang Facebook account ng dalaga.

Babala naman ng PNP Anti-Cybercrime Group na huwag basta-basta magpopost at magtiwala sa social media. 

Huwag ring magtago ng mga hubad na video at larawan sa inyong Facebook account dahil kapag na-hack ito ay mahirap habulin ang mga salarin.

Patong-patong na kaso ang isinampa laban kay Testa, kabilang ang attempted rape, violence against women and children, at hacking.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.