Suspek sa droga, patay sa engkuwentro sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at May 18 2018 02:33 AM

Napatay nitong gabi ng Huwebes sa Malolos, Bulacan ang isang drug suspect matapos makipagbarilan umano sa mga pulis.

Target ng operasyon ang suspek na si Dennis Santos, na nangunguna sa drugs watchlist ng Barangay Santisima Trinidad sa Malolos, ayon kay Bulacan police director Senior Superintendent Chito Bersaluna.

Pero habang inaaresto si Santos ay humugot daw ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Nagkaroon ng palitan ng putok at tinamaan ang suspek, na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Nabawi sa suspek ang isang kalibre .38 na baril at 15 sachet ng shabu na nagkakahalagang P40,000. -- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.