ALAMIN: Road reblocking sa Metro Manila simula Biyernes ng gabi

ABS-CBN News

Posted at May 18 2018 05:16 PM

Inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kukumpunihin ang ilang kalsada sa Quezon City at Maynila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Mayo 18.

Kasabay nito, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta dahil bibigat ang trapiko sa mga isasaayos na kalsada. 

Narito ang mga apektadong kalsada:

SOUTHBOUND

• EDSA mula Arayat Street hanggang P. Tuazon Street (2nd lane mula sa sidewalk)

• Visayas Avenue sa tapat ng PTV 4 (outer lane)

• EDSA Eugenio Lopez Street, pagkatapos ng Scout Borromeo (3rd lane mula sa sidewalk)

NORTHBOUND

• EDSA sa tapat ng Vertis North hanggang Trinoma Mall (2nd lane)

• Quirino Highway mula T. Carreon hanggang Pagkabuhay Road (inner lane)

• España Boulevard papuntang Quiapo, sa tapat ng Don Quijote hanggang bago mag-A. H. Lacson Ave.

• A. Bonifacio Avenue, Quezon City mula Mayon papuntang Mauban Street (outer lane)

• Congressional Avenue sa tapat ng Business Bank hanggang Mindanao Avenue (3rd lane)

Muling madaraanan ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Mayo 21, alas-5 ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.