76 na bagong opisyal ng PNP, isasabak sa SAF training

ABS-CBN News

Posted at May 18 2018 04:25 PM

MAYNILA- Isasabak sa pagsasanay ng Special Action Force ang 76 na bagong opisyal ng Philippine National Police, ayon kay Director General Oscar Albayalde.

Ginawa ni Albayalde ang pahayag sa badge of honor at service lunch ceremony para sa 76 na bagong opisyal ng PNP na miyembro ng Philippine National Police Academy Maragtas Class of 2018 nitong Biyernes.

Tatagal ng anim na buwan ang training na kung hindi maipapasa ay pag-aaralan bago isalang sa summary hearing na maaaring ikasibak sa pwesto.

"We expect them to finish the course," ani Albayalde.

Nauna nang inihayag ni Albayalde na mahalaga ang military training sa mga pulis dahil bukod sa disiplina, nagbabago na ang sitwasyon ng seguridad lalo na sa mga lungsod.

-ulat ni Henry Atuelan at Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.