Nagpapastol ng hayop, patay nang tamaan ng kidlat

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at May 18 2017 01:05 PM

Patay ang isang 35-anyos na lalaki matapos na tamaan ng kidlat habang nagpapastol ng hayop Miyerkules ng hapon sa Albay.

Isinugod pa sa ospital pero binawian rin ng buhay si Antonio Oropesa, residente ng Barangay Napo sa Polangui, Albay.

Ayon sa pulisya, maga-alas-5 ng hapon nang makidlatan si Oropesa habang nagpapastol ng hayop sa gitna ng palayan sa Barangay Pawa, Tabaco City.

Ayon sa PAGASA, ang pagkakaroon ng makapal at itim na ulap na may kasabay na pag-uulan ang ilan lang sa mga indikasyon na magkakaroon ng kidlat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.