Trak ng softdrinks, tumagilid sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 03:36 AM

MAYNILA - Tumagilid ang isang trak na may kargang softdrinks sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Meycauayan, Bulacan Miyerkoles ng gabi.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber ng trak. Nakabig nito ang sasakyan pakaliwa na nawalan ng balanse.

Kumalat sa kalsada ang bubog ng mga nabasag na bote at na-okupa ng tumagilid na trak ang 2 lane ng kalsada.

Naitabi na ang trak sa gilid ng kalsada ngunit nagpapatuloy pa ang clearing operation sa mga nabasag na bote.

Nagdulot ng pagbigat ng trapiko ang aksidente. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.