Sapul sa CCTV: Multicab, ninakaw sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 11:42 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

DAVAO CITY- Ninakaw ng hindi pa nakikilalang lalaki ang isang multicab na nakaparada sa labas ng isang laundry shop sa Times Beach, Ecoland Davao City nitong Linggo ng madaling araw.

Sa CCTV footage, makikita na nakasuot pa ng sumbrero at may tila kumot na nakasabit sa katawan ng lalaki. 

Wala pang isang minuto ay nabuksan agad niya ito at napaandar bago tinangay ang sasakyan.

Ayon sa may-ari ng sasakyan na si Princess Carl Sumampong, nagtaka sila kung bakit mabilis na nabuksan ang sasakyan gayong nakalock naman ito habang nakaparada.

"Parang palaisipan na wala man lang force sa pag-open 'di ba? If you can see the CCTV footage, he open(ed) the car in just less than 1 minute napatakbo na niya 'yung car," aniya.

Nakasanayan na rin umano ng may-ari na iparada ang sasakyan sa labas ng shop dahil maliwanag at may CCTV pa, kaya hindi nila inakala na nanakawin pa rin ito.

"Inisip namin what's the purpose bakit niya kinover para sigurong hindi makita ang damit niya or i-conceal niya o kilala ba namin siya or what," dagdag pa ni Sumampong.

Ayon sa pulis, posibleng residente lang sa lugar na malapit sa shop ang responsable sa krimen.

"Kaila ra na dinha kay nganong kabalo man sya naay CCTV, ikaduha dali ra sya nakaabli gani naa syay duplicate naa syay kuan sa susi nakapaandar sa multicab ug nakaabli way kahago hago," ani Chief Inspector Ronald Lao, station commander ng Talomo Police.

(Kilala lamang iyan diyan bakit alam niya na may CCTV. Ikalawa, mabilis niya lang nabuksan, mayroon siyang duplicate sa susi kasi napaandar niya ang multicab at nabuksan na walang kapwersa-pwersa.)

Paalala ng mga awtoridad na huwag basta-basta iiwan ang mga susi para hindi ito makuha at ma-duplicate. Mainam rin umano na maglagay na rin ng lock sa manibela at kung maari ay maglagay ng alarm system upang makaiwas sa carnap.

Nagpapatuloy pa ang hot pursit operation laban sa responsable sa pagnanakaw at patuloy pa rin na pinaghahanap ang nawawalng puting multicab.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.