Hinihinalang holdaper patay sa engkuwentro sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 07:40 AM

MAYNILA - Patay sa engkuwentro ang isang hinihinalang holdaper sa Fairview, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa biktimang si Maria Liza Esteban, nag-aabang siya ng taxi sa Lilac St. nang may nakamotor na humablot ng kanyang bag.

Agad siyang nagsumbong sa pulis na siya namang nagsagawa ng follow-up operations.

Naabutan ng mga pulis ang suspek sa isang hindi mataong kalye malapit sa Mindanao Avanue at Regalado Street.

Nanlaban umano ang suspek kaya pinatay ng mga pulis.

Hindi pa nakikilala ang suspek na nakasuot ng berdeng shorts at itim na jacket. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.