Drug surrenderer, tiklo sa buy-bust sa Davao

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 10:29 AM | Updated as of May 17 2018 12:56 PM

Buy-bust money, droga, at cellphone ang ilang nakuha sa suspek na naaresto ng mga awtoridad, Mayo 16, 2018 ng gabi sa Davao City.

DAVAO CITY – Nahuli sa akto na nagbebenta ng hinihinalang shabu ang isang 44-anyos na lalaki, Miyerkoles ng gabi, ayon sa pulisya.

Nakuha mula sa suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500, buy-bust money, at cellphone, ayon sa ulat mula sa Talomo Police Station

Iginiit ng suspek na napagutusan lamang siya.

Base sa imbestigasyon, isang drug surrenderer ang suspek at bumalik sa ilegal na gawain.

Kasalukuyan siyang nagbabantay sa kaniyang tiyahin na may Parkinson's disease.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.