Babaeng drug pusher, huli sa buy-bust

Rodirey Salad, ABS-CBN News

Posted at May 17 2017 10:45 AM

DAVAO CITY – Arestado ang isang babae matapos maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang buy-bust operation Miyerkules ng madaling Araw sa Ilustre Street.

Nakilala lamang ang suspek bilang si alyas “Ellen”, 31-anyos.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at P500 buy-bust money.

Dati nang mìno-monitor ng mga pulis ang ilegal na gawain ng suspek, ngunit ngayon lamang ito naaktuhan at nahuli.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.