#WalangTubig: 26,000 kabahayan sa San Mateo, Marikina

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 11:37 PM

Nag-abiso ang Manila Water na hihina ang water pressure o kaya'y mawawalan ng tubig ang tinatayang 26,000 kabahayan sa San Mateo, Rizal at sa Marikina. 

Asahan ang water service interruption simula alas-10 ng gabi ng Huwebes, Mayo 17, hanggang alas-6 ng umaga ng Mayo 18, Biyernes.

Narito ang mga apektadong barangay:

SAN MATEO, RIZAL

- Ampid 1
- Ampid 2
- Banaba
- Burgos Dulong
- Bayan 1
- Dulong Bayan 2
- Guitnangbayan 1
- Guitnangbayan 2
- Guinayang
- Maly
- Sta. Ana 

MARIKINA CITY

- Parang

Pinapayuhan ang mga residente ng naturang lugar na mag-ipon ng tubig.

Ayon sa Manila Water, magkakaroon ng water service interruption dahil sa phase 2 ng paglilipat ng water supply mula sa East La Mesa treatment plant patungo sa southeast main line.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.