Lupa sa ginagawang riprap, gumuho

Angie Saniel, ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 10:23 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

CEBU CITY - Gumuho ang lupa sa ginagawang riprap sa isang subdivision sa Barangay Banilad, Miyerkoles ng madaling araw.

Wala namang nasugatan sa nangyaring pagguho sa loob ng Maria Luisa Village, alas-2:35 ng madaling araw.

Tatlong construction workers ang naunang pinaniniwalaang natabunan sa pagguho ng lupa at bato pero napag-alaman na wala pala sila sa lugar bago pa maganap ang aksidente.

Ayon sa foreman ng ThunderSteel Construction na si Danny Suarez, umalis ang 3 construction worker na bantay sa site kagabi dahil ubos na ang kanilang pagkain.

Sabi naman ng hepe ng Cebu Disaster Risk Reduction and Management Office na si Nagiel Bañacia na posibleng engineering problem ang rason ng pagguho.

Subalit nilinaw din niya na kailangan pang hintayin ang kabuuang imbestigasyon sa nangyari.

Hanggang ngayon ay hindi pa madadaanan ang natabunang kalsada dahil sa pagguho.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.