Jeepney driver, nahuling nagnakaw sa loob ng simbahan

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at May 17 2017 05:03 AM

DAVAO CITY—Arestado ng San Pedro Police ang isang jeepney driver na nagnakaw ng bag sa loob ng San Pedro Cathedral, Davao City, Martes ng hapon.

Arestado si Lloyd Santos, 42, nang nakawin nito ang isang bag ng isang bisita sa kasal. 

Abala umano sa pagkuha ng litrato ang biktima nang nakawin ni Santos ang bag nito.

Nabawi ng mga pulis ang gamit ng biktima gaya ng cellphone at iba pang personal na gamit.

Inamin ni Santos ang krimen sa dahilang nagipit lamang siya.

Desididong magsampa ng kasong theft ang biktima.

Payo naman ng mga otoridad sa publiko na bantayang maigi ang kanilang gamit dahil walang pinipiling lugar ang mga kawatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.