SAPUL SA CCTV: Lalaki patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at May 15 2018 10:05 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang lalaking nakamotorsiklo nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Lapu-Lapu City, Cebu Martes ng umaga. 

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pamamaril ng riding-in-tandem gunmen sa biktimang nakamotorsiklo na si Jose Zabate, habang angkas niya ang asawang si Maria Grace.

Matapos ang pamamaril, agad na umalis ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Kagagaling lang umano ng biktima sa isang hearing sa Lapu-Lapu City Hall of Justice. Malapit lamang sa city hall ang pinangyarihan ng krimen.

Sa imbestigayon ng Homicide Section ng Lapu-Lapu City police, nakulong si Zabate noong 2015 dahil sa pagbebenta umano ng droga.

Nakapagpiyansa naman ito noong 2017.

Itinanggi ng asawa ng biktima na sangkot sa droga ang asawa. Wala rin umanong kaaway ang kaniyang mister. 

Inaaral pa ng mga pulis ang CCTV para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

--Ulat ni Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.