16 timbog sa magkakahiwalay na drug ops sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 15 2018 09:14 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang 16 indibidwal sa magkakahiwalay na drug operation ng mga pulis sa Quezon City noong Linggo.

Sa Barangay Sta. Lucia sa Novaliches, lima ang nahuli, kabilang na ang isang babae, matapos maaktuhan ang mga ito ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5 sa kalagitnaan umano ng drug session. 

Narekober din ng mga pulis ang ilang sachet ng shabu.

Sa Barangay Pasong Putik, Fairview, lima rin ang naaresto sa drug operation ng QCPD Station 5.

Aminado naman ang ilan sa mga nahuli na gumagamit sila ng droga.

Samantala, inaresto rin ng mga pulis ng QCPD Station 6 ang ilang mga lalaki at isang babae na naaktuhang naglalaro ng 'cara y cruz' sa Payatas, Quezon City.

Imbes na pera, mga sachet ng shabu ang ginagamit na pantaya ng grupo.

Sinampahan na ng kaso ang mga naaresto.

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.