Lalaking bibisita sa amang nasa ICU, patay matapos mabangga ng jeep

ABS-CBN News

Posted at May 15 2017 05:21 PM

Larawan mula sa PNP-Sarrat

ILOCOS NORTE - Patay na nang madala sa ospital ang isang lalaking nagtamo ng sugat sa ulo at sa iba't ibang bahagi ng katawan matapos mabangga ng pampasaherong jeep habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Bibisita lamang dapat si Sean Rafales, 33, sa kaniyang amang nasa intensive care unit dahil sa sakit na pneUmonia nang mangyari ang aksidente.

"Nag-overtake yun jeep at tamang tamang parating yun motorsiklo," ani C/Insp. Roldan Suitos, hepe ng PNP-Sarrat, Ilocos Norte.

Ligtas naman ang driver ng jeep na si Danilo Davados na taga Paoay, Ilocos Norte at mga pasahero.

Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya Rafales pero hiling nila ang pinansiyal na tulong.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.