P270-K halaga ng ‘shabu’ nasabat sa Davao City

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 09:14 AM

Isa umanong high value target na drug pusher ang naaresto ng awtoridad sa isinagawang buy bust operation Huwebes ng madaling araw sa Davao City.

Nahuli sa kanyang bahay sa Bryco Bankerohan ang suspek na si Eugene Sinco.

Narekober mula sa kanya ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu at P3,000 buy bust money.

Tinatayang hindi bababa sa P270,000 ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.