Libo-libong guro at staff, kailangan ng DepEd

Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News.

Posted at May 11 2017 07:36 PM | Updated as of May 11 2017 10:48 PM

Nangangailangan ng mahigit 50,000 guro ang Department of Education simula ngayong school year para matugunan ang K-12 program. 

Para sa senior high school, tinatayang 33,000 ang kailangang guro. Samantalang 20,000 guro rin ang kailangan para sa kinder hanggang junior high school. 

Bukod sa mga guro, nangangailangan din ang DepEd ng 13,000 non-teaching staff.

Tuloy-tuloy ang DepEd sa pagproses ng application ng mga guro at non-teaching staff. Aminado silang hindi tiyak kung mapupunan ang lahat ng job opening.

Kailangan din nila ng 47,000 classrooms. May ilang matatapos ang konstruksiyon pagpasok ng Hunyo.

Inaanyayahan naman ng DepEd ang mga magulang at mag-aaral na makiisa sa Brigada Eskuwela bilang paghahanda sa pasukan.

Tumatanggap din sila ng mga donasyon para sa pagsasaayos ng mga paaralan.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.