4, kabilang ang 1 buntis, arestado sa buy-bust sa Malate

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 12:06 PM

MAYNILA - Apat ang arestado, kabilang ang isang buntis, sa isinagawang buy-bust operation sa Malate, Maynila Miyerkoles ng madaling araw.

Target lang sana ng buy-bust ang suspek na si John Javier Reyes, na dati na umanong sumuko sa Oplan Tokhang at nangakong magbabago.

Pero naaresto rin sa operasyon ang 3 hinihinalang parokyano ng suspek, kabilang ang isang Amalia Bisnar, na umano'y buntis.

Giit ni Bisnar, nadamay lang siya.

Aabot sa 50 sachet ng hinihinalang shabu ang narekober mula sa mga suspek.

Tantiya ng mga awtoridad, aabot sa P50,000 ang halaga ng mga drogang nasabat.

Narekober din sa operasyon ang ang assorted drug paraphernalia, gayundin ang P3,000 at mga cellphone.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.