Bumagsak na chopper: 50-taong gulang na, maanomalya pa

ABS-CBN News

Posted at May 06 2017 04:03 PM

50-taong gulang na, second-hand pa, at parte ng isang maanomalyang transaksiyon ang helicopter na bumagsak sa Tanay, Rizal noong Huwebes ng hapon, ayon kay Senador Joseph Victor Ejercito. 

"Unsurprisingly, the chopper that recently crashed was part of the anomalous deal that we investigated! These 50-year old choppers that the DND purchased are older than our retiring military personnel!," ani Ejercito.

Dahil dito, nais ng nasabing senador na muling buksan ang Senate inquiry sa mga umano'y maanomalyang pagbili ng Department of National Defense (DND) ng 21 second-hand combat helicopters noong 2013 sa halagang P1.2 bilyon. Ilan sa mga ito ay may sira umano. 

"I am saddened and frustrated by the recent news of an AFP (Armed Forces of the Philippines) UH-1D chopper that crashed in Tanay, which resulted in the death of its pilot and two crew members," aniya.

"I will again file a resolution to re-open the investigation for this anomalous chopper deal to make sure that our military will not be forced to use unsafe ancient aircraft," dagdag pa niya.

Nauna nang inimbestigahan ang transaksiyong ito noong 2015 matapos lumutang ang isang impormante na nagsasabing may iregularidad sa pagbili ng mga chopper. 

Ilang buwan matapos ang unang Senate inquiry, una nang bumasak ang isang chopper noong Nobyembre 2015. 

Pinangunahan ni Senador Ejercito noong 2015 ang imbestigasyon. Dito inakusahan ni Rhodora Alvarez, isang agent sa Rice Aircraft Services Inc. (RASI) at Eagle Copters, ang mga matataas na opisyal ng DND na tumatanggap umano sila ng kickback. 

Kinansela naman ni dating kalihim ng Defense Voltaire Gazmin ang kontrata matapos maibunyag ang anomalya. Gayunpaman, nakatanggap pa rin ang kagawaran ng pito sa 21 helicopter. Itinanggi naman niya ang mga alegasyon sa kanyan. 

Nagsampa naman ng reklamong plunder, graft, malversation of public funds, violation of the procurement law, at violation of the revised Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization program si Alvarez laban kina Gazmin at 38 iba pa. 

"Deaths resulting from accidents which can actually be prevented by the level of technological advancement is unforgivable. The culprit is no one else but those who benefit from shadowy deals. Corruption kills," ayon kay Ejercito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.