1 patay, 1 sugatan matapos sumalpok ang isang jeep sa tindahan sa Butuan

May Diez, ABS-CBN News

Posted at May 06 2017 05:27 PM

Sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa isang tindahan sa Butuan City. Photo courtesy of Butuan Police Station 5

BUTUAN CITY- Isa ang patay at sugatan naman ang isa pa matapos sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa tindahan sa Barangay Amparo nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Reymar Amante, 15, samantalang sugatan naman ang driver ng jeep na si Rogelio Berbania. 

Ayon sa imbestigasyon, patungong Las Nieves, Agusan del Norte ang jeep nang bigla na lamang lumiko pakaliwa sa may crossing ng Bitan-agan ang isang motorsiklo na patungo sanang city proper.

Sinubukan ng driver ng jeep na umiwas pero nahagip pa rin ito at bumangga sa tindahan na pagmamay-ari ng isang Rosita Bacyao.

Maswerteng lumabas ang nagbabantay ng tindahan at wala ring mga tao sa lugar nang mangyari ang insidente.

Agad tumakas ang driver ng motorsiklo na si Anotonio Buyan matapos ang pangyayari. Kasalukuyan siyang pinaghahanap ng mga pulis.

Handa naman umanong magbigay ng tulong ang may-ari ng jeep na si Leopoldo Ranoco sa mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.