2 abandonadong bahay naabo

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Posted at May 05 2017 04:14 PM

Puan, Davao City -Naabo ang 2 abandonadong bahay sa Levy Road, Upper Rapnagana matapos itong lamunin ng apoy nitong Biyernes ng madaling araw.

Pawang gawa sa kahoy ang nasabing mga bahay kaya hindi na kinaya ng mga bumberong maisalba ang mga ito.

Palaisipan pa rin sa mga bumbero ang sanhi ng sunog dahil wala nang linya ng kuryente ang mga natupok na bahay na isang buwan nang hindi tinitirahan matapos bayaran at paalisin ng may-ari ng lupa ang mga naninirahan sa lugar.

Inaalam pa ng mga bumbero kung magkano ang danyos sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.