Bansag na 'strongman' kay Duterte ng TIME, di dapat ikahiya: analyst

ABS-CBN News

Posted at May 04 2018 09:54 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Binansagan si Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga "strongman" sa hanay ng world leaders ngayon, ayon sa artikulong inilathala ng TIME magazine.

Kasama niya sa listahan sina Russian President Vladimir Putin, Turkish President Tayyip Erdogan, at Hungarian Prime Minister Viktor Orban.

Ayon sa artikulo, tila nauuso ngayon ang mga lider na brusko, astig magsalita, at malakas ang istilo ng pamamahala, di tulad ng mga karaniwang pulitiko. 

"This trend is not confined to the US. In every region of the world, changing times have boosted public demand for more muscular, assertive leadership," ayon kay Ian Bremmer ng TIME magazine.

Nabanggit din sa artikulo ang giyera kontra droga ni Duterte gamit diumano ang "sariling konsepto" niya ng hustisya. 

Ayon naman sa isang political analyst, tumutukoy lang ang bansag na "strongman" sa "political will" ni Duterte at hindi umano ito dapat ikahiya. 

"TIME magazine is proceeding from a wrong premise because it only considered the characteristics of a strongman. It does not contextualize and it did not go into a discussion of the historical premises...Kung sabihin mo if he really is outside the pale of the law...I don't think so," ani Ramon Casiple, executive director ng Institute for Political and Electoral Reform. 

Ayon pa kay Casiple, di makatuwiran na husgahan ang pamamahala ni Duterte 
base lang sa kampanya kontra droga, 
na para naman sa mga kritiko ng pangulo ay malinaw na ebidensya ng lantarang paglabag sa karapatang pantao. 

Giit naman ng Malacañang, mahigpit namang tumatalima sa batas ang "brand of justice" na ito ng pangulo.

"[Duterte] has demonstrated strong and decisive leadership, a quality appreciated by Filipinos as evidenced by the chief executive's high satisfaction, approval, trust and performance ratings," ani presidential spokesperson Harry Roque. 

--Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.