Pulis, patay sa pag-atake ng NPA sa Quirino

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2017 10:19 AM | Updated as of Apr 30 2017 02:34 PM

MADDELA, Quirino - (UPDATED) Patay ang isang pulis matapos sumugod ang mga hinihinalang rebeldeng miyembro ng New People's Army sa isang police station sa bayang ito, Sabado.

Ayon sa Maddela police, pasado alas-10 ng gabi nang dumating sa istasyon ang nasa 100 armadong lalaking sakay ng 2 van at isang truck.

Agad umanong pinaputukan ng mga gunman ang 11 on-duty na pulis, dahilan para sumiklab ang engkuwentro.

Matapos ang 45 minuto, napasok ng mga suspek ang istasyon at hinalughog ang mga cabinet doon, kabilang ang pinaglalagyan ng mga baril ng mga pulis.

Tumakas ang mga gunman tangay ang 2 police patrol car at 11 baril. Binihag din nila ang pulis na si SPO4 Antonio Siriban.

Idineklara namang dead on arrival si PO2 Jerome Louie Cardenas sa Madella District Hospital.

Sa hot pursuit operation, nabawi ng mga pulis ang 2 sasakyang tinangay ng mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa mga barangay ng Cabau-an at San Pedro.

Nasagip din si Siriban na iniwan ng mga rebelde na ligtas.

Sa mga larawang kuha ng ABS-CBN News, makikita ang mga tama ng bala, mga basag na salamin at natumbang gamit matapos ang pag-atake.

Pinsala sapolice station ng Maddela Quirino matapos ang pag-atake ng mga hinihihinalang rebelde ng NPA, Sabado ng gabi.

Harris Julio, ABS-CBN News

Napag-alamang sinunog ng mga hinihinalang NPA fighteres ang isang crusher control room at isang dump truck ng RBI Junior Construction firm habang tumatakas sila mula sa Barangay San Pedro, ayon sa Maddela police.

-- May mga ulat nina Danielle Louise Rebollos, Harris Julio at Danica Guieb, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.