Lalaki, patay matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa drilling machine

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2017 03:34 PM

BUTUAN CITY - Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang drilling machine sa kahabaan ng highway sa Purok 2, Barangay Antongalon nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Anecito Maquinano na nagtamo ng mga sugat at agad ring namatay.

Ayon sa pulisya, papunta si Maquinano sa bayan ng Butuan mula Surigao nang mangyari ang aksidente.

Paliwanag naman ng kumpanya na may-ari ng drilling machine sa pulisya, mayroon silang early warning device nang mangyari ang aksidente.

Nabangga muna ng biktima ang early warning device bago tuluyang sumalpok sa drilling machine.

Iniimbistigahan pa rin ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.